Death, (screw u Mr. Palawan)

This is my email to 2 of my friends.

Hi lynn, Hi na rin ulit kats

AH for Lynn, my uncle just died last night 8:45pm. Sa bulacan na kami ni mama natulog pagkagaling sa PGH. At dahil putol putol tulog ko para bang may nakahanda nang email message sa utak ko. I planned to email na rin punky and others kaso.. mm.. i dunno.

Di ko lam ang sensitive ko pala ngayon.

d moment na sinabi ng doctor na wala na si uncle doods tas umiyak na si Auntie mommy (wife nya) sympre napaiyak na din ako. At that time naiiyak ako kasi feeling ko I failed them. Para bang wala akong nagawa to comfort them. Kasi dba tayo we always pray together. Yung mga tipong nung panahon nung student patrol etc. AT that time kasi para bang nagaantay na lang kami ng go signal umiyak. We didn't pray like we do. Siguro kanya kanya. I mean nung time na rin na yun kasi para bang there's a nudge in me to initiate and encourage everyone pray. Pero wala akong ginawa. Kaya nung moment na namatay siya, I somehow felt guilty. Na sinasabi ko sa sarili ko na sana may miracle pa na nangyari. I just stood there, unable to speak any words and pinipigilan ang pag-iyak.

Mama has been all teary eye. Dahil nandyan tito ko dinaan nalang lahat sa joke. I thought I'll be all right.As in normal. Kung baga eh relative lang naman ako. Pero a phone call kanina changes everything.

A man named "Mr. Palawan" a.k.a Mr. Insensitive (I'm already cursing him right now!) called looking for mama. EH wala nasa punerarya nga.
"Eh tumawag kanina umalis ulit." SO he's trying to say na tinataguan ni mama.
So sinabi ko with emphasis namatay po kasi uncle ko kagabi. ANd he's like not listening.
Then I asked "may iiwan ba kayong message."
Aba sabi "eh bat iniimbistigahan mo ako". wuhaattt??? (actually para syang may intsik na may bumbay accent, so di ko siya maintindihan) inulit ko ulit kung nasan si mama. & i told him na ako yung anak ni mama. Aba biglang bumait.
At sinabi na "yan dapat sinasabi ang totooo". Put** talga oh! At talagang I was crying na namatay nga yung uncle ko. blah blah blah.
click

after that call I was bursting into tears. Para bang now lang nag-hit sakin na wala na nga uncle ko. Putik kaka-highlight ko ba naman sa pesteng Mr. Palawan na yon eh di ba naman ako matamaan, And I'm actually crying right now. Ewan ko ba bat ba ako umiiyak eh di naman kami super close. kung baga sa family nila close ako pero si uncle doods lang yung di masyado gets?
Eun. sige un lang. ligo nako, baboosh.

(Ayoko na kasing gumawa ng new version of the story for this blog, that's why I copied and paste it here na lang)

Comments

Popular Posts